Maligayang pagdating sa aming page na A&R Community. Muli naming binubuo ang blog na ito, upang makarating sa mga kabataang Pilipino, lalo na sa mga Pilipino Anime/J-Pop Fans, ang mga kaganapan sa Anime/J-Pop Community. Marahil ang aming komunidad sa nakalipas na taon mula nang itatag ang dating pahina sa FB noong 2012 ng Agosto 6, sa FB (Facebook), at naging bahagi ng paggawa ng info sa Anime at Relihion. Kaya marahil sumunod na rito ang Special Issue noong Oktubre 18, 2013.
Sapagkat ang page na official sa FB ay na-unpublished noong Septiyembre 2023, dahil sa isang taong nanabotahe sa aming page, dahilan ng pagkakasara ng maaga ng orihinal na A&R Page sa FB. Sa ngayon nai-reboot ang A&R Community sa FB noong sa taong 2024, sa ika unang araw ng Enero. Kaya hindi pa makapag-operate ang aming FB page, dahil sa mga fakers na nanggugulo sa FB at maging sa ibang site.
Samantala, nung Abril 29, nagtatag ng official A&R Community sa Telegram at Bluesky, pero wala muna ang A&R Community sa X (former Twitter), dahil sa dalawang miyembro ng faker ang nanggugulo at nangmamata sa post ng aming official Twitter page. Sa ngayon, ang A&R Community ay maglalagay na ng mga bahagi sa blog na ito na tulad ng mga Special Issue na makakatulong sa mga kabataang Pilipino, at maging sa mga Pilipino Anime/J-Pop Fans.
Sana unawain ninyo ito, upang hindi maulit ang nangyari sa dating A&R Community page. Kaya tuklasin rin ang mga kaganapan sa Otaku-Akiba/Japan Pop Culture sa Pilipinas, at maging sa kaganapan sa Relihion ng Pilipinas.
No comments:
Post a Comment